DIBINONG ESTADO UNIBERSONG SAMAHAN (GEOMETRY OF DIVINITY) |
|||||
Home | TUNGKOL SA PAGKAKASALA AT PAGBABAGO | DIYOS AY PAG-IBIG | ANG PINTUAN TUNGO SA DIYOS | PANANAMPALATAYA SA PANGINOONG JESU CRISTO | D.E.U.S. (G.O.D.) | ANG DIYOS NG SAMAHAN | PITONG LAYUNIN NG SAMAHAN | UNANG LAYUNIN | IKALAWANG LAYUNIN | IKATLONG LAYUNIN | IKAAPAT NA LAYUNIN | IKALIMANG LAYUNIN | IKA-ANIM NA LAYUNIN | IKA-PITONG LAYUNIN | ARAL SA PAGBABAGO | PAGBABAGO NG SARILI | IF YOU WANT TO JOIN | BLESSING AND CURSE
|
|||||
|
|||||||||||||||||||
CLICK ON THIS IMAGE TO VISIT OUR TEMPLE SITE. |
|
||||||||||||||||||
ANG SAMAHANG ITO AY KALIPUNAN NG MGA TAONG SUMASAMPALATAYA SA DIYOS NG LAHAT NG MGA DIYOS, PANGINOON NG LAHAT
NG PANGINOON. PINAKAMAHALAGANG UTOS: IBIGIN MO ANG PANGINOON MONG DIYOS NANG BUONG PUSO, NANG BUONG KALULUWA,
AT NANG BUONG PAG-IISIP. ITO ANG PINAKAMAHALAGANG UTOS. PANGALAWANG PINAKAMAHALAGANG UTOS: IBIGIN MO ANG IYONG KAPWA
GAYA NG IYONG SARILI. - MATEO 22:37-39 SA SAMAHANG ITO, IISA ANG ATING GURO, ANG PANGINOONG JESU CRISTO, ANG MESIAS. ANG AMA NG SAMAHAN AY ANG AMANG NASA LANGIT. - MATEO 23: 8- 10 ANG TUNAY NA KABILANG SA SAMAHANG ITO AY HINDI HUMAHATOL SA KAPWA, UPANG HINDI HATULAN
NG DIYOS. HINDI RIN SIYA NAGPAPARUSA UPANG HINDI MAPARUSAHAN. NAGPAPATAWAD DIN SIYA UPANG PATAWARIN NG DIYOS. AT MAPAGBIGAY DIN SIYA SA KAPWA SA ABOT NG KANYANG MAKAKAYA. - LUCAS 6: 37-38 ANG MGA TUNAY NA KASAMA SA SAMAHANG ITO AY HINDI NAGPAPAAKIT SA MASASAMA, UPANG SUNDAN
ANG KANILANG PAYO AT MALING HALIMBAWA. HINDI RIN SIYA SUMASAMA SA SINUMANG TAONG ANG LAGING ADHIKAIN AY HAMAK-HAMAKIN ANG
DIYOS NA DAKILA. NAGAGALAK SIYANG LAGING MAGSALIKSIK NG BANAL NA ARAL, ANG UTOS NG PANGINOON SIYANG
BINUBULAY GABI AT ARAW. -AWIT 1:1-2 ANG TOTOONG KASAPI NG SAMAHANG ITO AY HINDI NAGSISIRAAN, NAMUMULA O HUMAHATOL SA
KANYANG KAPATID. IISA LAMANG ANG NAGBIGAY NG KAUTUSAN AT SIYA RIN ANG HUKOM. TANGING SIYA ANG MAY
KAPANGYARIHANG MAGLIGTAS AT PUMUKSA. - SANTIAGO 4:11-12 ANG ISANG TOTOONG KASAPI NG KAPATIRANG ITO AY PINAGSUSUMAKITAN NANG HIGIT SA LAHAT
ANG PAGHARIAN SIYA NG DIYOS AT MAMUHAY NG AYON SA KANYANG KALOOBAN. - MATEO 6:33 MARUNONG MAGPATAWAD ANG MGA TOTOONG KASAPI NG SAMAHANG ITO. - MATEO 6:14-15 ANG TOTOONG KASAPI NG SAMAHANG ITO AY HINDI NAGPAPANATILI NG POOT SA KANYANG DIBDIB.
HINDI SIYA NAGSASALITA NG ANUMANG MASAMA SA KANYANG KAPATID. - MATEO 5:21-24 KUNG KAYA, KUNG MAY MAKITA KAYO NA TAO NA NANINIRA SA IBA, O MARINIG NA NAGSASABING
KASAMA SILA SA SAMAHANG ITO NGUNIT PANAY NAMAN KASAMAAN AT PANINIRA ANG SINASABI SA KAPWA AY HINDI TOTOONG KASAPI NG SAMAHANG
ITO, SAPAGKAT ITINATANGGI SIYA BILANG KASAPI NG SAMAHANG ITO SA PAMAMAGITAN NG KANYANG MGA GAWA. ANG TOTOONG KASAPI NG SAMAHANG D.E.U.S.(G.O.D.) AY IGLESIA INDIBIDWAL (KAHIT
IISA SIYA, AY TEMPLO SIYA NG DIYOS, AT SINASAMAHAN SIYA NG DIYOS). HINDI BASEHAN ANG KAPANGYARIHAN, KARUNUNGAN, KAKAYAHAN, KAALAMAN, O IBA PANG TULAD
NITO SA PAGSAPI NG SAMAHANG ITO... ANG HINAHANAP DITO AY MGA TAONG MAY DALISAY NA PUSO, NA HINDI NAG-IISIP NG KASAMAAN
SA IBA, NI NAGNANAIS NG KASAMAAN SA KANYANG KAPWA, NA HINDI NAGLALAYON NG KASAMAAN SA KAPWA. ANG MGA TAONG MAY LAYON NA MASAMA SA KAPWA, TULAD NG PABAGSAKIN ANG KANILANG KAPWA,
ANG MANIRA NG PANGALAN NG KANILANG KAPWA, MAGPARATANG SA KANYANG KAPWA, AT IBA PANG GAWAING TULAD NITO AY NAGPAPAKITA LAMANG
NA HINDI SILA TUNAY NA KASAMA SA SAMAHANG ITO. ANG MGA TOTOONG KASAMA SA SAMAHANG ITO AY KAISA NG MGA LAYUNIN NG SAMAHANG ITO, NG
DIYOS, NG PANGINOON, AT NAGSUSUMAKIT SUNDIN ANG KALOOBAN NG DIYOS... PAGPAPALA SA LAHAT NG MGA NAGSUSUMAKIT NA MATUPAD ANG KALOOBAN NG DIYOS. SA DIYOS NG LAHAT NG MGA DIYOS, PANGINOON NG LAHAT NG PANGINOON, ANG PAPURI,
PARANGAL AT PANAMBAHAN MAGPAKAILANMAN. AMEN
AD MAJOREM DEI GLORIAM ALPHA ET OMEGA 1,30,5,10,600:300,40,200 |
|||||||||||||||||||