|
|
ANG DIYOS AY PAG-IBIG....AT SA PAG-IBIG NIYA SA ATIN,
IBINIGAY NIYA ANG KANYANG BUGTONG NA ANAK, UPANG ANG TAO AY MALIGTAS...
NASUSULAT SA JUAN 3:16 ITO:
16 Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang
ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
NASUSULAT SA ROMA 5:8:
Ngunit ipinakita ng Diyos ang kaniyang pag-ibig sa atin na nang tayo ay makasalanan pa, si Cristo ay namatay para sa atin.
NASUSULAT SA ROMA 6:23:
Ito ay sapagkat ang kabayaran nga ng kasalanan ay kamatayan ngunit ang walang bayad na kaloob ng Diyos ay buhay na walang
hanggan kay Cristo Jesus na ating Panginoon.
NASUSULAT SA EFESO 2:8-9:
Tanging ang ating pananampalataya sa tinapos niyang gawain sa krus ay ang kaisa-isa at tunay na daan patungo sa buhay
na walang, at ito ay hindi sa inyong sarili, ito ay kaloob ng Diyos. Ito ay hindi dahil sa gawa upang hindi magmalaki ang
sinuman.
AT ANG PANGINOONG JESU CRISTO AY NABUHAY NA MAG-ULI:
NASUSULAT SA 1 Pedro 1:3
Ito ay sapagkat sa biyaya kayo naligtas sa pamamagitan ng
pananampalataya ng pagkabuhay muli ni Jesucristo mula sa mga patay.
NASUSULAT SA Roma 10:9
Ipahayag mong si Jesus ay Panginoon at sampalatayanan mo sa iyong puso na binuhay siyang mag-uli ng Diyos. Kapag ginawa
mo ito, ikaw ay maliligtas.
ANG DAAN NG KALIGTASAN AY ANG PANGINOONG JESU CRISTO.
IPINAGKALOOB NG DIYOS ANG KANYANG BUGTONG NA ANAK, ANG SALITA NG DIYOS NA NAGKATAWANG-TAO AT NAKIPAMUHAY SA ATIN, NANG
SA GAYON MAGKAROON NG PARAAN UPANG MALIGTAS ANG TAO...
NASUSULAT SA JUAN 1:1-18 ANG PAGIGING DIYOS NG ATING PANGINOONG JESU CRISTO, AT SIYA AY BUMABA AT NAKIPAMUHAY SA ATIN:
1 Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.
2 Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios.
3 Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya.
4 Nasa kaniya ang buhay; at ang buhay ay siyang ilaw ng mga tao.
5 At ang ilaw ay lumiliwanag sa kadiliman; at ito'y hindi napagunawa ng kadiliman.
6 Naparito ang isang tao, na sugong mula sa Dios, na ang kaniyang pangalan ay Juan.
7 Ito'y naparitong saksi, upang kaniyang patotohanan ang ilaw, upang sa pamamagitan niya'y magsisampalataya ang lahat.
8 Hindi siya ang ilaw, kundi pumarito upang kaniyang patotohanan ang ilaw.
9 Nagkaroon ng tunay na ilaw, sa makatuwid baga'y ang ilaw na lumiliwanag sa bawa't tao, na pumaparito sa sanglibutan.
10 Siya'y nasa sanglibutan, at ang sanglibuta'y ginawa sa pamamagitan niya, at hindi siya nakilala ng sanglibutan.
11 Siya'y naparito sa sariling kaniya, at siya'y hindi tinanggap ng mga sariling kaniya.
12 Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios,
sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan:
13 Na mga ipinanganak na hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa kalooban ng tao, kundi ng Dios.
14 At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian
gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan.
15 Pinatotohanan siya ni Juan, at sumigaw, na nagsasabi, Ito yaong aking sinasabi, Ang pumaparitong nasa hulihan ko ay
magiging una sa akin: sapagka't siya'y una sa akin.
16 Sapagka't sa kaniyang kapuspusan ay nagsitanggap tayong lahat, at biyaya sa biyaya.
17 Sapagka't ibinigay sa pamamagitan ni Moises ang kautusan; ang biyaya at ang katotohanan ay nagsidating sa pamamagitan
ni Jesu-cristo.
18 Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa
kanya.
TOTOONG MAHAL NG DIYOS TAYO....
PERO ITO ANG SUSUNOD NA KATANUNGAN:
ANO KAYA ANG MANGYAYARI KUNG TINALIKURAN NATIN ANG PANGINOONG JESU CRISTO MATAPOS NATING MAKILALA SIYA NG GANAP, NALIWANAGAN,
NAKALASAP NG MGA KAPANGYARIHAN NG MGA PANAHONG DARATING?
NASUSULAT SA Hebreo 6:4-6:
"Sapagka't tungkol sa mga minsang naliwanagan at nakalasap ng kaloob ng kalangitan, at mga nakabahagi ng Espiritu
Santo, At nakalasap ng mabuting salita ng Dios, at ng mga kapangyarihan ng panahong darating, At saka nahiwalay sa Dios ay
di maaaring baguhin silang muli sa pagsisisi; yamang kanilang ipinapapakong muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Dios,
at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan."
KUNG KAYA'T KAHIT ANONG MANGYARI, HUWAG TAYONG BIBITIW SA UGNAYAN NATIN SA DIYOS... KAHIT IKAMATAY PA NATIN...
SAPAGKAT SA UGNAYAN NATIN SA DIYOS NAKASALALAY ANG ATING KALIGTASAN... SA PAMAMAMGITAN NG ATING PANGINOONG JESU CRISTO....
NAWA MAKATULONG ITO UPANG HIGIT NATING MAKILALA ANG ATING PANGINOONG JESU CRISTO....AMEN
|
|
|