|
|
UNA SA LAHAT AY MAY ARAL SA BANAL NA KASULATAN NA NAGPAPATUNAY NA LAHAT NG TAO AY NAGKAKASALA. ITO AY NAKASULAT SA ROMA 3:9-20
9Ano ngayon? Kami ba ay nakakahigit? Hindi! Ito ay sapagkat
napatunayan na namin noong una pa man, na kapwa ang mga Judio at mga Griyego ay nasa ilalim ng kasalanan.
10Ito ay ayon sa nasusulat:Walang sinumang matuwid, wala kahit isa.
11Walang sinumang nakakaunawa, walang sinu-mang humahanap sa Diyos.
12Ang lahat ay lumihis ng daan, sama-sama silang naging walang pakinabang. Walang sinumang gumagawa ng mabuti, wala kahit
isa.
13Ang kanilang lalamunan ay bukas na libingan.
Sa kanilang mga dila ay ginagamit nila ang pandaraya.
Ang kamandag ng mga ulupong ay nasa mga labi nila.
14Ang mga bibig nila ay puno ng pagsumpa at mapait na mananalita.
15Ang mga paa nila ay mabilis sa pagbuhos ng dugo.
16Pagkawasak at paghihirap ang nasa kanilang mga landas.
17Hindi nila alam ang landas ng kapayapaan.
18Ang pagkatakot sa Diyos ay wala sa kanila.
19Ngayon ay nalalaman natin na anumang sinasabi ng kautusan ay sinasabi sa kanila na nasa ilalim ng kautusan upang patigilin
ang bawat bibig at ang buong sanlibutan ay mananagot sa Diyos.
20Kaya nga, sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan walang taong mapapaging-matuwid sa harapan niya sapagkat ang lubos
na pagkaalam sa kasalanan ay sa pamamagitan ng kautusan.
KUNG PAGBABATAYAN ANG KAUTUSAN NG DIYOS, WALANG TAONG MATUWID SA HARAPAN NG DIYOS. ITO AY DAHIL LAHAT NG TAO AY NAGKAKASALA.
ANO ANG MARAPAT GAWIN NATIN KUNG TAYO AY PALAGING NAGKAKASALA SA DIYOS? ANO ANG MARAPAT NATING GAWIN UPANG MANUMBALIK
SA KANYA?
UNANG HAKBANG:
MAGSISI SA MGA KASALANANG NAGAWA...
SA AWIT 51:1-17 AY NARITO ANG PANALANGIN UKOL SA PAGSISISI:
1 Maawa ka sa akin, Oh Dios, ayon sa iyong kagandahang-loob: Ayon sa
karamihan ng iyong malumanay na mga kaawaan ay pinawi mo ang aking mga
pagsalangsang.
2 Hugasan mo akong lubos sa aking kasamaan, At linisin mo ako sa aking kasalanan.
3 Sapagka't kinikilala ko ang aking mga pagsalangsang: At ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko.
4Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala, At nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin: Upang ikaw ay ariing ganap pag
nagsasalita ka, At maging malinis pag humahatol ka.
5 Narito, ako'y inanyuan sa kasamaan; At sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina,
6Narito, ikaw ay nagnanasa ng katotohanan sa mga loob na sangkap; At sa kubling bahagi ay iyong ipakikilala sa akin ang
karunungan.
7 Linisin mo ako ng hisopo, at ako'y magiging malinis: Hugasan mo ako at ako'y magiging lalong maputi kay sa nieve.
8 Pagparinggan mo ako ng kagalakan at kasayahan; Upang ang mga buto na iyong binali ay mangagalak.
9 Ikubli mo ang iyong mukha sa aking mga kasalanan, At pawiin mo ang aking lahat na mga kasamaan.
10 Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios; At magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko.
11 Huwag mo akong paalisin sa iyong harapan; At huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin.
12 Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas: At alalayan ako ng kusang espiritu.
13 Kung magkagayo'y ituturo ko sa mga mananalangsang ang iyong mga lakad; At ang mga makasalanan ay mangahihikayat sa
iyo.
14Iligtas mo ako sa salang pagbububo ng dugo, Oh Dios, ikaw na Dios ng aking kaligtasan; At ang aking dila ay aawit ng
malakas tungkol sa iyong katuwiran.
15 Oh Panginoon, bukhin mo ang aking mga labi; At ang aking bibig ay magsasaysay ng iyong kapurihan.
16 Sapagka't hindi ka nalulugod sa hain; na kung dili ay bibigyan kita: Wala kang kaluguran sa handog na susunugin.
17 Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob: Isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan.
IKALAWANG HAKBANG:
Ipatawad ninyo sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay patatawarin naman kayo ng inyong Ama sa kalangitan.
Datapuwa't kung hindi ninyo ipatawad sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong
Ama ng inyong mga kasalanan. (MATEO 6:14-15)
IKATLONG HAKBANG:
Huwag kayong hahatol upang hindi kayo hatulan. Ito ay sapagkat sa hatol na inyong ihahatol ay hahatulan kayo. Sa sukat
na inyong ipinanukat ay isusukat sa inyo. (MATEO 7:1-2)
PINAKAMAHALAGANG HAKBANG:
Tanggapin ang Panginoong Jesu Cristo bilang Panginoon at
tagapagligtas, at sumampalataya sa Kanya.
Juan 1:12: Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak
ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisampalataya sa kaniyang pangalan:
Juan 1:13: Na mga ipinanganak na hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa kalooban ng tao, kundi ng Dios.
SANA ANG POST NA ITO AY MAKATULONG SA MGA NAGSUSUMIKAP GAWIN ANG KALOOBAN NG DIYOS...
SA ARAW-ARAW, AY ANG TAO AY NAGKAKASALA...
ANG MAHALAGA AY MAGSIKAP BUMANGON SA BAWAT PAGKABUWAL MULA SA KASALANAN, AT SIKAPING LUMAKAD SA BANAL NA KAUTUSAN NG DIYOS...
WALANG TAONG HINDI NAGKAKASALA... KUNG KAYA'T WALANG TAO ANG MAAARING MAGING ESPIRITUAL NA HUKOM NINUMAN... AND DIYOS,
NA PANGINOON NG UNIBERSO, ANG SIYANG MAY KARAPATANG GAWIN SA ATIN IYON...
HINDI TAYO TAGAHATOL, KUNDI TAGASUNOD SA KAUTUSAN NG DIYOS.... KUNG KAYA'T WALANG SINUMAN ANG MAY KARAPATAN NA HATULAN
ANG KANYANG KAPWA SA ESPIRITUAL...
NASUSULAT:
Huwag kayong mangagsalita ng laban sa isa't isa, mga kapatid.
Ang nagsasalita laban sa kapatid, o humahatol sa kaniyang kapatid, ay nagsasalita laban sa kautusan, at humahatol sa kautusan:
datapuwa't kung ikaw ay humahatol sa kautusan, hindi ka na tagatupad ng kautusan, kundi hukom.
Iisa ang tagapagbigay ng kautusan at hukom, samakatuwid baga'y ang makapagliligtas at makapagwawasak: datapuwa't sino
ka na humahatol sa iyong kapuwa? (SANTIAGO 4:11-12)
PAPURI KAY YHWH ANG DIYOS NG MGA DIYOS, PANGINOON NG MGA PANGINOON! AMEN
|
|
|
|
|
Enter supporting content here
GOD BLESS THOSE WHO HELP D.E.U.S.(G.O.D.) |
|
GOD CURSE THOSE WHO CURSE OR DO EVIL AGAINST D.E.U.S.(G.O.D.) |
GOD BLESS THOSE WHO HELP AND BLESS D.E.U.S.(G.O.D. |
|
GOD CURSE THOSE WHO DO EVIL TO D.E.U.S.(G.O.D.) |
AD MAJOREM DEI GLORIAM
"SA LAHAT NG BAGAY, ANG DIYOS AY PAPURIHAN."
AD MAJOREM DEI GLORIAM ALPHA ET OMEGA 1,30,5,10,600:300,40,200
|
|
|