MAGANDANG ARAW!
ITO
PO ANG OFFICIAL WEBSITE NG
DIBINONG ESTADO UNIBERSONG
SAMAHAN (GEOMETRY OF DIVINITY).
ANG KAPATIRAN PONG ITO AY ESPIRITUAL AT NAGNANAIS MAKATULONG SA ESPIRITUAL
NA KAPARAANAN SA MGA NAGHAHANAP SA DIYOS.
ANG AMING TANGING SINASAMBA AY ANG DIYOS NG LAHAT NG
MGA DIYOS, PANGINOON NG LAHAT NG PANGINOON, SI YHVH
(DEUTERONOMIO 10:17)
KASAMA SA GAWAIN NG MGA MIYEMBRO NG SAMAHAN NA ITO AY ANG
PAGBULAY-BULAY SA MGA BANAL NA MGA KASULATAN ARAW AT GABI (AWIT 1:2)
KASAMA DIN ANG PAGSUSUMIKAP NA TAHAKIN ANG LANDAS NA MATUWID,
AT HINDI PAGHIWALAY DITO HANGGANG KAMATAYAN.
(AWIT 2:20)
KASAMA DIN SA PAGSAMA SA SAMAHANG ITO ANG MAGKAROON NG TIWALA
KAY YHVH BUONG PUSO AT LUBUSAN, AT HINDI PANANANGAN SA SARILING KARUNUNGAN.
(KAWIKAAN 3:5)
KASAMA DIN SA PAGSALI SA SAMAHANG ITO ANG HINDI PAGPAPANGAHAS
NG SARILING NALALAMAN, PAGKATAKOT SA DIYOS, AT PAGLAYO SA KALIKUAN.
(KAWIKAAN 3:7)
ANG SASAPI SA SAMAHANG ITO AY HINDI GUMAGAWA NG MASAMA SA
KANYANG KAIBIGAN NA SA KANYA AY UMASA, NAGTIWALANG LUBUSAN.
(KAWIKAAN 3:29)
ANG SASAPI SA SAMAHANG ITO AY HINDI NANGINGIMBULO SA TAONG
MARAHAS, NI LUMALAKAD SA MASAMA NIYANG LANDAS.
(KAWIKAAN 3:31)
ANG SASAPI SA SAMAHANG ITO AY INILALAYO ANG BIBIG SA MGA SALITANG
MAHAHALAY.
(KAWIKAAN 4:24)
ANG MGA SASAMA SA SAMAHANG ITO AY NAGSUSUMIKAP NA HINDI GAWIN
ANG 7 KINAMUMUHIAN NI YHVH:
1
KAPALALUAN
2
KASINUNGALINGAN
3
PUMAPATAY SA WALANG KASALANAN
4
PUSONG SA KAPWA'Y WALANG MABUTING ISIPAN
5
PAANG UBOD TULIN SA LANDAS NG KASAMAAN
6
SAKSING SINUNGALING
7
MAPAGLUBID NG BUHANGIN,
PAG-AWAYIN ANG KAPWA,
LAGING GUSTO NIYANG GAWIN.
(KAWIKAAN 6:16-19)
ANG MAESTRO AT PANGINOON NG SAMAHANG ITO AY ANG PANGINOONG
JESU CRISTO, KUNG KAYA'T MAGING ANG TAONG NAGING DAAN SA PAGBUO NG KAPATIRANG ITO (SI KA MON) AT SINUMAN SA KAPATIRANG ITO
AY HINDI DAPAT TAWAGING MAESTRO, KUNDI KAPATID.
ANG MANIRA SA SAMAHANG ITO AY HINDI ANG TAO ANG SINISIRA,
KUNDI ANG NAKAPANGALAN SA SAMAHANG ITO- DEUS, O GOD.
ANG MGA TOTOONG KASAPI SA SAMAHANG ITO AY HINDI DUMEDEPENDE
SA SINUMANG TAONG NAMUMUNO O NANGANGASIWA SA SAMAHAN, KUNDI SA MGA PRINSIPYO AT ARAL SA BANAL NA KASULATAN, PAGTUPAD NG KALOOBAN
NG DIYOS, AT PAGSUSUMAKIT NA MAPABILANG SA PAGHAHARI NG DIYOS.
ANG ANUMANG KAMALIAN O KASALANANG PANTAO NINUMAN SA KAPATIRANG
ITO AY LABAS SA KAPATIRANG ITO, SAPAGKAT HINDI PAGKAKASALA ANG ALITUNTUNIN NG SAMAHANG ITO KUNDI PAGBABALIK-LOOB SA DEUS (GOD).
SA DIYOS NG MGA DIYOS, PANGINOON NG MGA PANGINOON ANG LAHAT
NG PARANGAL AT PAPURI, MAGPAKAILANMAN.
AMEN.