blessedyhwhyeshua.jpg

ANG DIYOS NG SAMAHAN














Home | TUNGKOL SA PAGKAKASALA AT PAGBABAGO | DIYOS AY PAG-IBIG | ANG PINTUAN TUNGO SA DIYOS | PANANAMPALATAYA SA PANGINOONG JESU CRISTO | D.E.U.S. (G.O.D.) | ANG DIYOS NG SAMAHAN | PITONG LAYUNIN NG SAMAHAN | UNANG LAYUNIN | IKALAWANG LAYUNIN | IKATLONG LAYUNIN | IKAAPAT NA LAYUNIN | IKALIMANG LAYUNIN | IKA-ANIM NA LAYUNIN | IKA-PITONG LAYUNIN | ARAL SA PAGBABAGO | PAGBABAGO NG SARILI | IF YOU WANT TO JOIN | BLESSING AND CURSE





blessedyhwhyeshua.jpg

ANG DIYOS NG SAMAHANG ITO AY NASUSULAT SA
 
DEUTERONOMIO 10:17
 
PAGKAT SI YHWH ANG DIYOS NG MGA DIYOS,
PANGINOON NG MGA PANGINOON,
MAKAPANGYARIHAN AT KAKILA-KILABOT.
 
PANTAY-PANTAY ANG TINGIN NIYA SA MGA TAO AT HINDI NAGPAPASUHOL.
 
HIGIT NINYO SIYANG MAKIKILALA SA PAGBABASA NG LUMANG TIPAN, AT NG MGA AWIT, KAWIKAAN, AT MGA SULATIN NG MGA PROPETA UKOL SA KANYA SA LUMANG TIPAN.
 
ANG PANGINOON NG SAMAHANG ITO AY ANG PANGINOONG JESU CRISTO, ANG BUGTONG NA ANAK NG DIYOS.
 
NASUSULAT SA GAWA 4:12
 
KAY JESU-CRISTO LAMANG MATATAGPUAN ANG KALIGTASAN, SAPAGKAT SA SILONG NG LANGIT, ANG KANYANG PANGALAN LAMANG ANG IBINIGAY NG DIYOS SA IKALILIGTAS NG TAO.
 
SA FILIPOS 2:6-11 NASUSULAT:
 
6Bagaman siya ay nasa anyong Diyos, hindi niya itinuring na kailangang pakahawakan ang kaniyang pagiging kapantay ng Diyos.
 
7Bagkus ginawa niyang walang kabuluhan ang kaniyang sarili at tinanggap niya ang anyo ng isang alipin at nakitulad sa tao.
 
8Yamang siya ay nasumpungan sa anyong tao, siya ay nagpakumbaba at naging masunurin hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan sa krus.
 
9Kaya nga, siya naman ay lubhang itinaas ng Diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan.
 
10Ito ay upang sa pangalan ni Jesus ay luluhod ang bawat tuhod ng mga nasa langit, ng mga nasa lupa at ng mga nasa ilalim ng lupa.
 
11Ito ay upang ipahayag ng bawat dila na si Jesucristo ang Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama.
 
 
ANG ISA PANG MAHALAGANG ARAL NG SAMAHAN AY ANG KATAWAGAN NG MGA TOTOONG KASAPI NG SAMAHAN NA NAKIISA SA DIYOS, AT SA PANGINOONG JESU CRISTO, NA NAGSISIKAP NA MAGAWA ANG KANYANG KALOOBAN:
 
ROMA 8:15
 
ANG TINANGGAP NINYO AY ESPIRITU NG PAGIGING ANAK, AT ITO AY NAGBIBIGAY SA ATIN NG KARAPATANG TUMAWAG NG "ABBA! AMA KO!"
 
 
GALACIA 4:6
 
UPANG IPAKILALANG KAYO'Y MGA ANAK NG DIYOS, PINAGKALOOBAN NIYA TAYO NG ESPIRITU NG KANYANG ANAK NANG TAYO'Y MAKATAWAG SA KANYA NG "ABBA! AMA KO!"
 
SA MGA HINDI NAHIWALAY SA PANANAMPALATAYA SA DIYOS NG MGA DIYOS, PANGINOON NG MGA PANGINOON, AT SA PANGINOONG JESU CRISTO, NAWA ANG ESPIRITU SANTO AY SUMAINYO UPANG GABAYAN KAYO TUNGO SA PAKIKIISA KAY JESU CRISTO, AT PAGIGING ANAK NG DIYOS. NAWA AY MANATILI KAYO SA PAG-IBIG AT PAKIKIISA SA DIYOS HANGGANG SA KAWAKASAN.
 
SA MGA NAHIWALAY,
SA DIYOS KO NA PINAUUBAYA KAYO.
 
HINDI AKO HAHATOL SA INYO,
SAPAGKAT TAGASUNOD LAMANG AKO
NG KAUTUSAN, AT HINDI TAGAHATOL.
 
SA MGA NAKAKARAMDAM
NA TINATAWAG NG DIYOS
TUNGO SA KAPATIRANG ITO,
INIIMBITAHAN KO KAYO NA
SUMALI SA YAHOOGROUPS NA
 
DEUS_GOD_HASHEM
 
 
ANG PAG-AARALAN AT TATALAKAYIN DITO AY
UKOL SA SALITA NG DIYOS SA BIBLIYA.
 
PAPURI SA DIYOS NG MGA DIYOS,
PANGINOON NG MGA PANGINOON,
 
PAPURI KAY ABBA!
PAPURI KAY YHWH!
PAPURI SA PANGINOONG JESU CRISTO!
 
AMEN
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 































GOD BLESS THOSE WHO HELP D.E.U.S.(G.O.D.)
blessedyhwhyeshua.jpg
GOD CURSE THOSE WHO CURSE OR DO EVIL AGAINST D.E.U.S.(G.O.D.)

GOD BLESS THOSE WHO HELP AND BLESS D.E.U.S.(G.O.D.
12_blessing.jpg
GOD CURSE THOSE WHO DO EVIL TO D.E.U.S.(G.O.D.)

AD MAJOREM DEI GLORIAM
"SA LAHAT NG BAGAY, ANG DIYOS AY PAPURIHAN."

AD MAJOREM DEI GLORIAM ALPHA ET OMEGA 1,30,5,10,600:300,40,200